Site Tools


Breadcrumb

Home > Site Tools > Other languages > Filipino

Page Tools

Filipino

Maligayang bati sa website ng CRS Australia.

Ang CRS Australia ay nagbibigay ng isang serbisyo na tinatawag na rehabilitasyong bokasyonal (vocational rehabilitation), na ang ibig sabihin ay tinutulungan namin ang mga taong may kapansanan, kapinsalaan o kalagayang pangkalusugan na makahanap at manatili sa trabaho.

Ang programa sa rehabilitasyong bokasyonal ay tutulong sa inyo upang mabawasan ang mga sagabal sa inyong pagkakaroon ng trabaho, kasama na ang pagpapabuti ng inyong kalusugan at pagharap sa anumang isyu na may kinalaman sa inyong kalagayan. Tumutulong din kami sa paghahanap ninyo ng trabaho, kasama na ang tulong sa paggawa ng inyong buod ng kwalipikasyon at paghahanda sa interbyu.

Ang CRS Australia ay mayroong 170 tanggapan sa buong Australya kaya mayroong tanggapan na malapit sa inyo.

Habang ang buong website ay hindi pa naisasalin, ilang lathalain ay makukuha upang makatulong sa inyo na maunawaan ang mga mahahalagang impormasyon na kailangan ninyong malaman tungkol sa aming mga serbisyo.

  • Mahalagang impormasyon tungkol sa inyong programa sa rehabilitasyong bokasyonal sa CRS Australia
  • Impormasyon para sa mga kliyente na lalahok sa binayaran ng nagbabayad sa programa sa rehabilitasyon ng CRS Australia
  • Kayo ay inilipat sa CRS Australia
  • Mayroon ba kayong kapansanan, kapinsalaan o kalagayang pangkalusugan at nais ninyong makatrabaho?
  • Porma sa karapatang kumuha ng impormasyon
  • Porma (DEEWR) sa karapatang ilabas ang impormasyon
  • Porma (S25) sa karapatang ilabas ang impormasyon
  • Tatlong buwang komentaryo
  • Komentaryo sa pagtatapos ng programa

Ang mga tagapagpaliwanag ay maaaring gamitin upang tulungan kayong magtrabaho kasama ang inyong konsultant sa rehabilitasyon.

Para sa dagdag na tulong, tawagan ang pinakamalapit na tanggapan ng CRS Australia sa 1800 277 277.

Upang tulungan kayong makipag-usap sa CRS Australia, maaari ninyong tawagan ang Serbisyo sa Pagsasalin at Pagpapaliwanag (Translating and Interpreting Service - TIS) sa 13 14 50. Ang serbisyo ay maghahanda ng tatluhang pakikipag-usap sa pagitan ninyo, ng tagapagpaliwanag at ng CRS Australia.

Kung nais ninyong malaman ang tungkol sa ibang mga serbisyo na maaaring ibigay ng CRS Australia sa mga nahahanap ng trabaho at nagpapatrabaho, kausapin kami sa 1800 277 277.

Publications

  • Mahalagang impormasyon tungkol sa inyong programa sa rehabilitasyong bokasyonal sa CRS Australia
    Important information about your vocational rehabilitation program
  • Impormasyon para sa mga kliyente na lalahok sa binayaran ng nagbabayad sa programa sa rehabilitasyon ng CRS Australia
    Information for clients participating in a payer funded CRS Australia rehabilitation program
  • Kayo ay inilipat sa CRS Australia
    You have been referred for vocational rehabilitation
  • Mayroon ba kayong kapansanan, kapinsalaan o kalagayang pangkalusugan at nais ninyong makatrabaho?
    Do you have a disability, injury or health condition and do you want a job?
Back to top 

Forms

Other languages

More questions?

  • Contact us to find out more about CRS Australia.